Open Doors

Kami ang proyektong Open Doors na nakatuon sa pagpreserba ng mga gawa ng mga tagahanga na nanganganib na maglaho. Marami kaming maliliit na proyekto at inisyatiba na naglalayong panatilihin at pangalagaan ang iba’t ibang uri ng hangang-katha at artepakto ng kultura ng mga tagahanga.

Ang aming layunin ay pangalagaan ang mga hangang-katha para sa hinaharap nang may kaakibat na pagrespeto sa kanilang mga manlilikha.

Aming pinapahalagan ang mga sumusunod:

  • Pagrespeto sa mga manlilikha at sa kapwa
  • Sama-samang pagtutulungan
  • Pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mga kostumer
  • Paggalang at paghikayat sa pagkakaiba-iba, kabilang ngunit hindi limitado sa:
    • pagkakakilanlan ng aming mga boluntaryo sa komite
    • wika at pinagmulan ng kultura ng mga hangang-katha, gaya ng pantay na pagbibigay-halaga sa mga inaangkat na hindi Ingles at hindi Kanluranin
    • midyum ng hangang-katha
    • wika, pinagmulan ng kultura, at midyum ng canon na kung saan nakabatay ang mga hangang-katha
  • Bukas o epektibong komunikasyon sa isa’t isa, sa iba pang komite ng OTW (Organisasyon ng Nagbabagong Katha), at sa komunidad
  • Pagtatapos ng mga gawain at maagap na pagtugon sa mga komunikasyon mula sa mga mod, manlilikha, mga tagapaglathala, iba pang komite ng OTW, at isa’t isa sa napapanahong paraan
  • Pagiging dedikado sa patuloy na pagpapabuti ng aming mga proseso, kabilang na dito ang pagtugon sa komunidad, at tugong panloob
  • Paniniwala na ang lahat ng sisidlan, fanzines at hangang-katha ay may panloob na halaga at nilikha nang pantay-pantay
  • Pagpapatupad ng mga daloy ng trabaho at mga sistema na nakaayon sa kasulukuyang pinakamahusay na kasanayan sa digital na pagpreserba
  • Pagpopormalisa at pagtatala ng mga pamantayang susundin
  • Pagbibigay ng sapat na pagsasanay sa aming mga boluntaryo upang sila’y maging maalam at umasta nang ayon sa aming layunin, mga pinapahalagahan, at nakatakdang mga proseso

Kabilang sa aming mga proyekto ang mga sumusunod:

  • Online Archives (Online na Sisidlan) (mababasa ang pahina sa Ingles):
    Nakakawing ang pahina ng Online na Sisidlan sa mga nasagip na sisidlan at hamon na pinangangalagaan sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), na kumakatawan sa karamihan ng gawa ng Open Doors.
  • Special Collections (Mga Natatanging Koleksyon) (mababasa ang pahina sa Ingles): Kabilang sa Galeriya ng mga Natatanging Koleksyon ang mga proyektong digital na kasalukuyang hindi maisasama sa AO3 o Fanlore. Kabilang dito ang mga .pdf, multimedia na hangang-katha, makasaysayang website ng mga tagahanga, at iba pang digital na artepakto.
  • Fan Culture Preservation Project (Proyekto para sa Pangangalaga ng Kultura ng mga Tagahanga): Isang pakikipagtulungan sa pagitan ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) at mga institusyong katulad ng Mga Natatanging Koleksyon ng Unibersidad ng Iowa upang panatilihin at pangalagaan ang mga fanzine at iba pang mga hindi digital na anyo ng kultura ng mga tagahanga.
  • AO3 Fanzine Scan Hosting Project (Proyekto ng AO3 sa Pagho-host ng mga Skan ng Fanzine): Isang pagtutulungan ng OTW at Zinedom, isang proyektong pang-preserbasyon na pinapatakbo ng mga tagahanga, upang magdala ng mga digital na kopya ng mga akdang fanzine sa AO3.
  • GeoCities Rescue Project (mababasa ang pahina sa Ingles): Isang proyektong nakatuon sa pangangalaga ng mga website ng mga tagahanga na muntikan nang maglaho noong isinara ng Yahoo ang GeoCities noong Oktubre 2009.
  • Yahoo Groups Rescue Project (sa Ingles): Isang proyektong nakatuon sa pangangalaga ng mga hangang-katha, fanart, at meta mula sa Yahoo Groups na muntikan nang maglaho noong isinara ng Verizon ang Yahoo Groups noong Enero 2020.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proyektong Open Doors at aming mga proseso, mangyaring bisitahin ang aming FAQ.