Mayroon ba ako ng karapatan na ilipat o i-back up ang aking sisidlan patungo sa AO3? Kung tutuusin, hindi ko isinulat ang mga kathang ito!

Hindi mo man isinulat ang lahat ng kwento, ngunit kung ikaw ang tagapangasiwa ng sisidlan, tinanggap mo ang responsibilidad na iingatan ang mga ito online at panatilihing. ma-a-access ang mga ito. Tingin namin na ang paglilipat ng isang sisidlan sa Archive of Our Own (Ating Sariling Sisidlan) ay kahalintulad ng pagpapalit ng web host o ISP, o pag-iinstall ng updated software package para sa sisidlan; para itong katiwala ng aklatan na naglilipat ng koleksyon.