Kung ang email address na ginamit sa dating sisidlan ay pareho sa email na ginamit sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan):
Makakatanggap ka ng email na nagsasabing nailipat at nakalagay na sa account mo ang iyong mga katha.
Kung nabubuksan mo pa ang email address na nakalagay sa account mo sa dating sisidlan, makakatanggap ka ng email na nagsasabing nalipat na ang iyong mga katha at ito ang maaari mong gawin:
Angkinin ang mga katha sa AO3 at gumawa ang bagong account kung saan sila ay ilalagay (ang ibig sabihin nito ay magkakaroon ka ng AO3 account kung wala pa). Maaari ka nang mamatnugot, magbura, at iba pa, kagaya sa paraang ginagawa sa mga kathang ipinaskil mo sa AO3.
Angkinin ang mga linipat na katha at ilagay sila sa ilalim ng AO3 account na mayroon ka na. Maaari ka nang mamatnugot, magbura, at iba pa, kagaya sa paraang ginagawa sa mga kathang ipinaskil mo sa AO3.
Burahin ang inilipat na katha. Kung gagawin mo ito, maaari mo ring pigilan ang paglipat sa AO3 ng mga kathang nakaugnay sa email address na iyon.
Ulilain ang inilipat na katha. Maiiwan ang katha sa AO3, ngunit aalisin mula sila sa pangangasiwa ng kahit anong user account. Maaari mong piliing alisin ang pangalang nakaugnay sa dating sisidlan, o hayaan itong makita bilang sagisag-panulat. (Tandaan: Kung pipiliin mong ulilain ang iyong mga katha, maaaring gustuhin mo munang suriin at alisin ang naiiwang impormasyon ukol sa iyo.)
Kung hindi mo na mabuksan ang email address na nakalagay sa dating sisidlan:
Sabihan ang Open Doors gamit ang pangalan ng account sa dating sisidlan, gamit ng ibang impormasyon na nagsisilbing patunay na ikaw iyon.