Pag-angkin ng mga Hangang-Katha Matapos Itong Awtomatikong I-angkat ng Open Doors

Kung inangkat ang isang sisidlan na naglalaman ng iyong mga katha patungo sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), mapapasailalim ang iyong mga katha sa pangalang iyong ginamit bilang manlilikha sa orihinal na sisidlan. Depende sa sisidlan, maaaring ang mga nakalagdang (logged-in) miyembro ng AO3 lamang ang makakakita nito upang hindi sila maisama sa mga Google searches.

Isang email na naglalaman ng tagubilin kung paano angkinin ang iyong mga katha, ulilain sila o tanggalin sila mula sa AO3 ay ipapadala sa address na nakaugnay sa iyong mga katha sa orihinal na sisidlan. Sa tsutoryal na ito, ipaliliwanag namin ang mga opsyon na nakalahad sa email na iyon. Kung nasa AO3 na ang ilan sa iyong mga naiangkat na katha, sumangguni sa Paano kung naipaskil ko na ang kathang iniaangkat sa AO3? sa aming FAQ.

Kung hindi mo natanggap ang email na ito o hindi mo na mabuksan ang email address na nakaugnay sa inangkat na sisdlan, sumangguni sa Paano ko papamahalaan ang mga inangkat na kathang pagmamay-ari ko?

Kapag nasa AO3 ang iyong mga katha bilang bahagi ng isang inangkat na sisidlan, mayroon kang mga sumusunod na opsyon:

  1. Angkinin ang mga inangkat na katha para sa isang umiiral na account, o gumawa ng bagong account na maiuugnay sa mga kathang ito. Ang opsyon na ito ay pahihintulutan kang ulilain, burahin, o baguhin ang iyong mga katha.
  2. Iwan ang iyong mga katha sa pangangalaga ng account ng artsibo. Mananatili sa AO3 ang iyong mga katha, at ipapakita ang pseud (sagisag-panulat) na ginamit mo mula sa inangkat na sisidlan bilang manlilikha, pero naka-ugnay ang katha sa account ng artsibo.
  3. Ulilain ang iyong mga katha tukuyin man o hindi ang iyong sagisag-panulat. Sa pag-ulila ng katha malilipat ang iyong mga katha sa orphan_account ng AO3. Isinusuko mo na ang pamamahala sa iyong mga katha, kasama na ang kakayang baguhin o burahin sila, at hindi ka na makakatanggap ng mga abiso tungkol sa mga ito o muling maaaangkin ang mga ito.
  4. Burahin ang iyong mga katha mula sa AO3. Buburahin ng opsyon na ito ang lahat ng nakalistang katha na inangkat patungong AO3. Maaaring ikaw mismo ang magpaskil o mag-angkat sa mga ito kung kailan mo nais.
  5. Baguhin ang gawi sa mga kathang aangkatin sa hinaharap. Maaaring ihinto ng opsyon na ito ang pag-aangkat mula sa ibang sisidlan sa hinaharap at/o pigilan ang mga abiso sa email tungkol sa mga pag-angkat.

Tandaan: Anuman ang iyong piliin ay ilalapat sa lahat ng mga kathang nakalista sa ipinadalang email, kahit na hindi lahat ng katha ay nakalista sa pahina ng pag-angkin. Kung nais mong pamahalaan ang bawat katha, kailangan mo munang angkinin ang mga inangkat na katha (Opsyon 1).

Kung wala kang gagawin, iiwan mo ang mga katha sa pangangalaga ng account ng artsibo (Opsyon 2). Kung nais mong silipin ang iyong mga katha bago magdesisyon, ngunit wala kang AO3 account, makipag-ugnayan sa Open Doors gamit ang iyong sagisag-panulat at sabihin ang pamagat ng iyong mga katha para mapadalhan ka namin ng kopya.

Pag-Angkin Sa Iyong Mga Inangkat na Katha

Upang mailipat ang mga inangkat na katha sa iyong AO3 account, kailangan mo munang angkinin ang mga ito. Kapag naangkin na sila, maari mo nang ulilain ang iyong mga katha, burahin ang iyong mga katha, o baguhin ang iyong mga katha nang maramihan o paisa-isa.

Kung wala ka pang AO3 account, kailangan mong gumawa ng isa.

Kung mayroon kang AO3 account na naka-ugnay sa ibang email address at gagamitin mo iyon para angkinin ang mga katha, tandaan na awtomatikong maiuugnay na ang mga kathang aangkatin sa hinaharap sa nasabing email address ng iyong AO3 account. Kung ayaw mong mangyari iyon, maaari mong gawin ang mga sumusunod:

Angkinin Lahat ng Mga Katha

Para sa bahaging ito, naiiba ang mga lumilitaw na teksto at mga buton depende kung ikaw ay naka-lagda (log-in) o hindi naka-lagda (log out) sa iyong AO3 account.

Kung ikaw ay naka-lagda, sasabihin nitong:

“Claim your works with your logged in account. If you would like to claim these works under a different account (or create a new account to claim them with), log out and reload this page first.”
(Angkinin ang iyong katha gamit ang iyong naka-lagdang account. Kung nais mong angkinin ang mga kathang ito gamit ang ibang account (o kung nais mong gumawa ng panibagong account para angkinin ang mga ito), mag-logout muna at i-reload ang pahina.)

Nakasulat sa buton: Idagdag ang mga katha sa naka-lagdang account ngayon

Nakalista sa ibaba ng buton ang lahat ng kathang inangkat kaugnay ng iyong email address. Madadagdag ang lahat ng mga kathang ito sa AO3 account na kasalukuyan mong ginagamit kapag pinindot ang buton.

Kung ikaw ay kasalukuyang hindi naka-lagda, sasabihin nitong:

We invite you to join our beta and create an account! The works will automatically be added to your account and you will have full control over them.

If you already have an AO3 account, log in and reload this page, and we’ll assign you the works. (Inaanyayahan ka naming sumali sa aming beta at gumawa ng account! Awtomatikong madadagdag sa iyong account ang iyong mga katha at ganap mong makokontrol ang mga ito.

Kung mayroon ka nang AO3 account, lumagda at i-reload ang pahinang ito, at itatalaga namin sa iyo ang iyong mga katha.)

Nakasulat sa buton: Lumagda at italaga sa akin ang aking mga katha! Yehey!

Nakalista sa ibaba ng buton ang lahat ng kathang inangkat kaugnay ng iyong email address. Kapag pinindot ang buton na “Sign me up and give me my works! Yay!” (Lumagda at italaga sa akin ang aking mga katha! Yehey!) ay magbubukas ang paanyaya mula sa AO3 para ikaw ay makagawa ng AO3 account. Lahat ng mga nakalistang katha ay madadagdag agad sa bago mong AO3 account sa sandaling matapos mong gawin ito.

Iwan Ang Iyong Mga Katha Sa Pangangalaga ng
Account ng Artsibo

Bawat inangkat na sisidlan ay mayroong sariling AO3 account na may parehong pangalan. Tinatawag itong “account ng artsibo” at siyang may-ari ng mga kathang hawak nito na walang umangkin.

Sa pagpili ng opsyong “Leave my works in the care of the archivist” (Iwan ang aking mga katha sa pangangalaga ng account ng artsibo), ibig sabihin nito ay walang mababago. Mananatili ang iyong mga katha sa AO3, na nakaugnay sa sagisag-panulat na ginamit mo sa inangkat na sisidlan, na nakakabit sa account ng artsibo. Isang halimbawa ng kathang naka-ugnay sa isang sagisag-panulat ngunit nakakabit sa account ng artsibo ay:

The blurb of a work titled 'Work 1', attributed to Testy, attached to test_archivist. The title and byline reads 'Work 1 by Testy [archived by test_archivist]' (Ang buod ng kathang may pamagat na ‘Work 1’, naka-ugnay kay Testy, pero nakakabit sa test_archivist. Ang pamagat at byline ay ‘Work 1 ni Testy [inangkat ni test_archivist]’)

Kung ito ang iyong nais, piliin ang opsyon na ito at pindutin ang “Update” (Baguhin) buton.

Ang opsyon na ito ay pinapayagan kang balikan at angkinin ang mga katha sa hinaharap kung sakaling magbago ang isip mo. Kung itatago mo ang paanyaya sa iyong email, gagana pa rin ang kawing nito basta’t hindi ka pipili ng ibang opsyon. Kung mawala mo ang email, maaari kang makipag-ugnayan sa Open Doors, at papadalhan ka namin ng bago.

Kung nais mong tanggalin ang mga personal mong impormasyon sa iyong katha habang nasa pangangalaga sila ng taga-angkat, maaari mong gawin ang sumusunod:

Isang halimbawa ng katha na natanggal ang lahat ng personal na impormasyon ng may-akda ngunit nananatiling nakakabit sa account ng artsibo ay:

The blurb of a work titled 'Work 2' attributed to test_archivist. The title and byline reads 'Work 2 by test_archivist' (Buod ng katha na pinamagatang ‘Work 2’ na nakakabit sa test_archivist. Ang pamagat at byline ay ‘Work 2 ni test_archivist’ ).

Kung napili mong gawin ito, makipag-ugnayan sa Open Doors at iparating sa amin kung ano ang nangyari, upang may tala kami nito at hindi na kami magtatalaga ng mga katha sa’yo.

Pag-Ulila sa Iyong Mga Katha

Isang alternatibo ng pagbura sa mga kathang ayaw mo nang maiugnay sa iyong account ang pag-ulila sa mga ito, at permanente na nitong buburahin ang lahat ng personal na impormasyon sa iyong mga ginawa. Tandaan lamang na ang pag-ulila ay permanente at hindi na mababawi—isinusuko mo na ang pamamahala sa mga katha, kasama na ang kakayahang baguhin o burahin sila, at hindi mo na rin sila muling maaangkin. Para sa karagdagang impormasyon sa pag-uulila ng katha sa AO3, sumangguni sa FAQ tungkol sa Pag-ulila.

Kung pinili mong ulilain ang iyong mga inangkat na katha, malilipat sila sa orphan_account ng AO3, at hindi ka na makakatanggap ng mga abiso tungkol sa mga ito. Kung pinili mo ang opsyon na “Orphan my works and take my email address off them, but keep my name” (Ulilain ang aking mga katha at alisin ang aking email address mula sa mga ito, pero panatilihin ang aking pangalan), isang bagong sagisag-panulat ang gagawin na may parehong pangalan ng sagisag-panulat na ginamit mo sa paglikha ng mga katha sa orihinal na artsibo. Kung ayaw mong manatili ang iyong sagisag-panulat sa mga katha, piliin mo ang kahong “Assign my works to the AO3 orphan_account, removing both my name and email address” (Ilipat ang aking mga katha sa AO3 orphan_account at tanggalin ang aking pangalan at email address).

Bago ulilain ang iyong mga katha, mahalagang suriin ang mga ito at siguruhing walang personal na impormasyong nais mong tanggalin. Matapos mong gawin iyon, maari mo silang baguhin o ulilain nang nararapat:

  • Kung wala kang gustong baguhin, maaari mong ulilain ang mga katha gamit ang opsyong “Orphan my works and take my email address off them, but keep my name” (Ulilain ang aking mga katha at alisin ang aking email address mula sa mga ito, pero panatilihin ang aking pangalan). Kung gusto mo ring tanggalin ang iyong sagisag-panulat, piliin ang opsyong “Assign my works to the AO3 orphan_account, removing both my name and email address” (Ilipat ang aking mga katha sa AO3 orphan_account at tanggalin ang aking pangalan at email address).
  • Kung nais mo silang baguhin, maaring:

Kapag napili mo na ang opsyon na iyong gusto, pindutin ang “Update” na buton sa baba ng pahina para maganap ang iyong nais.

Pagbura sa iyong mga kathang inangkat patungong AO3

Buburahin ng opsyong “Please remove my works from the AO3 entirely” (Tanggalin nang tuluyan ang aking mga katha mula sa AO3) ang lahat ng nakalistang katha na inangkat patungong AO3. Tandaang ito ay permanente at hindi na mababawi. Kung ito ang iyong nais, piliin ang opsyong ito at pindutin ang “Update” na buton.

Gumawa ng aksyon para sa mga aangkatin sa hinaharap

Pigilan ang pag-angkat sa hinaharap ng mga kathang naka-ugnay sa email address na ito

Pipigilan ng opsyong “From now on, do not import works with this email address” (Mula ngayon, huwag nang i-angkat ang mga katha na naka-ugnay sa email address na ito) ang awtomatikong pagsali sa mga kathang naka-ugnay sa nasabing email address sa mga artsibong aangkatin sa hinaharap. Kung ito ang iyong nais, piliin ang kahon, kasama ang pinili mong opsyon sa pag-aari para sa mga naangkat mong katha, at pindutin ang “Update” na buton.

Itigil ang mga abiso sa hinaharap tungkol sa pag-angkat ng mga kathang naka-ugnay sa email address na ito

Ititigil ng opsyong “Do not email me in the future when works are imported with this email address” (Huwag na ‘kong padalhan ng email sa hinaharap kung may mga kathang i-aangkat gamit ang email address na ito) ang mga abisong ipinapadala sa email kapag inangkat ang isang katha. Kung ayaw mong maangkat ang iyong mga katha, piliin ang kahong “From now on, do not import works with this email address” (Mula ngayon, huwag nang i-angkat ang mga katha na naka-ugnay sa email address na ito), kasama ang pinili mong opsyon sa pag-aari para sa mga naangkat mong katha, at pindutin ang “Update” na buton.

Saan ako makakakuha ng impormasyon kung hindi nasagot dito ang aking tanong?

Nasa FAQ ng Open Doors ang mga karaniwang tanong tungkol sa Open Doors. Maaari ka ring sumangguni sa aming Tsutoryal ng Open Doors. Makakahanap ka rin ng kasagutan sa mga karaniwang tanong tungkol sa AO3 sa FAQ ng AO3. Ang mga tanong at sagot tungkol sa Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3 ay matatagpuan sa FAQ tungkol sa palatuntunan ng aming serbisyo. Maaari ka ring sumangguni sa Known Issues ng AO3. Kung kailangan mo pa ng karagdagang tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Open Doors o magsumite ng hiling para sa Tulong.