{"id":818,"date":"2014-08-17T05:56:22","date_gmt":"2014-08-17T05:56:22","guid":{"rendered":"http:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/?page_id=818&#038;lang=fil"},"modified":"2024-01-27T06:40:51","modified_gmt":"2024-01-27T06:40:51","slug":"pagdaragdag-ng-maramihang-katha-sa-isang-koleksyon","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/pagdaragdag-ng-maramihang-katha-sa-isang-koleksyon\/","title":{"rendered":"Pagdagdag ng Maraming mga Katha sa Isang Koleksyon"},"content":{"rendered":"<p>Kapag ang isang sisidlang kasalukuyang inililipat ng isang proyekto ng Open Doors ay naglalaman ng mga kathang iyong ipinaskil sa Archive of Our Own &#8211; AO3 (Ating Sariling Sisidlan), maaari mong idagdag ang mga kathang iyon sa inililipat na koleksyon ng sisidlan.<\/p>\n<p>Mangyaring tandaan na kapag inilipat na ang iyong mga katha sa AO3 gamit ang awtomatikong paglilipat ng sisidlan at nais mong malaman kung paano ito aangkinin, sumangguni sa <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/en\/tutorials\/claiming-works\/\">Pag-aangkin ng mga Katha Matapos ang Awtomatikong Paglilipat ng Open Doors<\/a>.<\/p>\n<p>Kapag nais mo lamang na magdagdag ng isang katha sa isang koleksyon, mangyaring sumangguni sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/faq\/collections?language_id=fil#addcollection\">Paano ako makapagdaragdag ng isang katha sa isang koleksyon?<\/a><\/p>\n<p>Kapag mayroon kang maraming kathang idadagdag sa isang koleksyon, maaari mong sundan ang mga hakbang na ito:<\/p>\n<ol>\n<li>Kapag nakapaglagda ka na, piliin ang &#8220;My Works&#8221; (Aking mga Katha) mula sa &#8220;Hi, [panlagda]!&#8221; menu na nasa itaas ng pahina. Kung ika\u2019y nasa iyong <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/faq\/glossary?language_id=fil#dashdef\">Dashboard<\/a>, maaari mo ring piliin ang &#8220;Works&#8221; (Mga Katha) na nasa sidebar ng nabigasyon (matatagpuan ito sa itaas ng pahina kapag gamit ang mobile device).<\/li>\n<li>Pindutin ang &#8220;Edit Works&#8221; (I-edit ang mga Katha) na nasa gawing kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng pamuhatan na &#8220;Aking mga Katha&#8221; sa mobile) upang  makapunta sa \u201cEdit Multiple Works\u201d (I-edit ang Maraming Katha) na pahina.\n<p><img decoding=\"async\" src=\"\/wp-content\/uploads\/2016\/03\/2_edit_works.png\" alt=\"Ang pahinang \u201cAking mga Katha\u201d na nagpapakita ng mga opsyong \u201cI-edit ang mga Katha,\u201d \u201cMga Kathang Nasa Koleksyon,\u201d at \u201cMga Katha.\u201d Naka-highlight ang \u201cI-edit ang mga Katha\u201d na buton.\" \/><br \/>\n<strong>Larawan 1:<\/strong> Ang &#8220;I-edit ang mga Katha&#8221; na buton sa \u201cAking mga Katha\u201d na pahina.<\/li>\n<li>Lagyan ng tsek ang mga kahong katabi ng mga kathang nais mong idagdag sa isang partikular na koleksyon. Tandaan na uuriin ang iyong mga katha ayon sa kanilang fandom.\n<p><img decoding=\"async\" src=\"\/wp-content\/uploads\/2021\/03\/Multiple-Works-selecting-works-to-be-edited-by-fandom.png\" alt=\"Mga checkbox para sa pagpili ng mga kathang babaguhin sa \u201cI-edit ang Maraming Katha\u201d na pahina.\" \/><br \/>\n<strong>Larawan 2:<\/strong> Pagpili ng maraming katha para i-edit.<\/li>\n<li>Matapos lagyan ng tsek ang mga kahong katabi ng lahat ng kathang nais mong idagdag sa isang koleksyon, piliin ang &#8220;Edit&#8221; na buton na parehong nasa kanang itaas ng pahina sa desktop at sa mobile device.<\/li>\n<li>Pumunta sa Add To Collections (Idagdag sa Koleksyon) na opsyon. Ilagay ang pangalan ng koleksyon, at lalabas ito bilang isa sa mga pagpipilian sa autocomplete. Ang pangalang lalabas ay magkahalintulad sa pangalan ng sisidlan kung saan nailipat ang iyong mga katha, e.g. &#8220;Turkfanfiction.&#8221; Piliin ang koleksyon na nais mong paglagyan  ng iyong mga katha mula sa listahan ng autocomplete. Huwag gumawa ng anumang pagbabago sa pahinang ito maliban na lamang kung sigurado kang nais mo itong gawin, sapagkat babaguhin nito ang impormasyon para sa lahat ng kathang iyong pinili. Kung hindi ka sigurado sa pangalan ng koleksyon, mangyaring tingnan ang aming <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/en\/special-collections-gallery\/\">Espesyal na Galerya ng mga Koleksyon<\/a> para sa karagdagang impormasyon o hindi kaya\u2019y <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/en\/contact-open-doors\/\">makipag-ugnayan sa Open Doors<\/a>.\n<p><img decoding=\"async\" src=\"\/wp-content\/uploads\/2021\/03\/NEWadd_to_collection.png\" alt=\"Inilagay ang salitang 'yuletide' sa nakalaang patlang na Idagdag sa Koleksyon at nagbibigay ang autocomplete ng mga pagpipiliang koleksyon tulad ng Yuletide Recs, Yuletide 2012, Yuletide 2010 at marami pang iba. \" \/><br \/>\n<strong>Larawan 3:<\/strong> Halimbawa ng autocomplete sa Idagdag sa Koleksyon na makikita sa I-edit ang Maraming Katha na pahina.<\/li>\n<li>Matapos piliin ang koleksyong nais mong paglagyan sa iyong mga katha, pumunta sa ibaba ng pahina at piliin ang &#8220;Update All Works&#8221;  (Baguhin ang Lahat ng mga Katha) na buton na nasa kanang bahagi upang pairalin ang mga pagbabago.<\/li>\n<\/ol>\n<p>Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-edit ng maraming katha, sumangguni sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/faq\/posting-and-editing#editmultipleworks\">Paano ako makakapag-edit ng maraming katha nang sabay-sabay?<\/a><\/p>\n<h3 id=\"multipleworksmoreinfo\">Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?<\/h3>\n<p>Sinasagot ang mga madalas na itinatanong ukol sa Open Doors sa <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/faq\/\">FAQ ng Open Doors<\/a>. Maaari ka ring sumangguni sa aming mga <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/en\/tutorials\/\">Tsutoryal para sa Open Doors<\/a>. Mahahanap mo ang mga kasagutan sa mga madalas na itinatatanong ukol sa AO3 sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/faq\">FAQ ng AO3<\/a>, at makikita ang iba pang karaniwang terminolohiya sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/faq\/glossary\">Talahuluganan<\/a>. Mahahanap sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/tos_faq\">FAQ ng Palatuntunan ng Serbisyo<\/a> ang mga katanungan at kasagutan tungkol sa <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/tos\">Palatuntunan ng AO3<\/a>. Maaari mo ring basahin ang <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/known_issues\">Mga  Nalalamang Isyu ng AO3<\/a>. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring <a href=\"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/en\/contact-open-doors\/\">makipag-ugnayan sa Open Doors<\/a> o <a href=\"https:\/\/archiveofourown.org\/support\">magsumite ng kahilingan ng tulong<\/a>.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Kapag ang isang sisidlang kasalukuyang inililipat ng isang proyekto ng Open Doors ay naglalaman ng mga kathang iyong ipinaskil sa Archive of Our Own &#8211; AO3 (Ating Sariling Sisidlan), maaari mong idagdag ang mga kathang iyon sa inililipat na koleksyon ng sisidlan. Mangyaring tandaan na kapag inilipat na ang iyong mga katha sa AO3 gamit [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":42,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"open","ping_status":"closed","template":"","meta":{"footnotes":""},"class_list":["post-818","page","type-page","status-publish","hentry"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/818","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/users\/42"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=818"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/818\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":12811,"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/818\/revisions\/12811"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/opendoors.transformativeworks.org\/fil\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=818"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}